My blog has moved!

You will be automatically redirected to the new address. If that does not occur, visit
http://sikretosanegosyo.blogspot.com
and update your bookmarks.

Friday, November 2, 2012

ANG PROPESOR AT ANG BANGKERO


this story was inspired me 


Isang kilalang propesor si Dr. Tadeo sa isang kilalang Unibersidad sa kanilang lungsod. Siya ay matatawag na siyentipiko sa lahat ng bagay sa angkin niyang talino. Ang lahat ng mga mag-aaral di lamang sa kanilang Unibersidad kundi sa lahat ng unibersidad ay di maipagkakailang si Dr. Tadeo ay isang magaling na propesor.

Isang araw, ang nasabing propesor ay naatasang magsaliksik sa isang bundok pa tungkol sa mga iba't-ibang uri ng paru-paro sa nasabing lugar. Kinakailangan niyang sumakay ng bangka mula sa isang baryo patungo sa bundok ng Harurot. Maglalakbay sila ng halos tatlong kilometro upang makarating sa pulong kinaroroonan ng bundok. Sa kaniyang paglalakbay, dalawa lang silang sakay ng bangka, ang bangkero at ang propesor. nagtanong ang propesor sa bangkero.

P: Mamang bangkero ikaw ba'y nakapag-aral?
B: Hindi po kasi wala po kaming pera pero nakakaintindi po ako ng kaunti.
P: Ikaw ba'y marunong ng matematika?
B: ano po ba yun, nakakain po ba iyon?
P:ha ha haha!!, alam mo bang kapag di ka marunong ng matematika e 1/4 ng buhay mo ay nawawala sa iyo
B: Di ko po alam e...paumanhin po
P: e siguro naman Agham e marunong ka?
B: di rin po ano po ba yun ,lugar po ba yun?
P: ha ha ha hi hi hi !! e di 1/4 uli ng buhay mo nawala sa iyo ha ha ha hi hi
B:paunmanhin niyo po wala po kasi akong alam sa agham na yan
P: siguro naman Balarila e alam mo kasi salita natin iyan?
B: di ko rin po alam ang Balarila..
P: haha ha ha ha hak hik hik, wala kang alam sa balarila! e di 1/4 uli ng buhay mo nawala sa iyo ha ha ha he he he!!! amang 1/4 na lang ang natititra sa iyong buhay kaya alagaan mo yan he he he...

Dumating ang malakas na bagyo na biglang sumalubong sa bangka sa gitna ng laot. Tanaw na ang pulo ngunit di sapat ang bilis ng sagwan upang makarating dito.

B:Ginoong propesor! may bagyo lumalakas ang alon, marunong ba kayong lumangoy!! tatalon tayo sa bangka kasi tataob ito
P: aa! e e hi-hindi amang tulungan mo ako di di akong marunong lumangoy!
B: kung gayon ako may 1/4 ng buhay na natitira at gaya ng sinabi niyo kailangan na pangalagaan ko ito kayo ay di nag-aral lumangoy kaya buong buhay niyo ang mawawala sa iyo, sige po at mauuna na akong pumunta sa pulo
P: wag! amang wag mo akong iwan tuturuan kita ng matematika, agham at balarila! wag mo akong iwaaaannnn!!! hu hu hu

Tuluyan ng nilamon ng alon ang bangka at propesor at pagod ngunit ligtas na nakarating ang bangkero sa Bundok ng Harurot, nakangiti ito at handang buuin muli ang nawalang 75% ng kaniyang buhay. 

there are several person that speaks on what they have knowledge 
more than they experience and if you are in network marketing business you may encounter this kind of person

there are several person who speak himself for what they have on research than experienced in network marketing 
to become succefull it was comes to your failure

No comments:

Post a Comment